Martes, Hunyo 11, 2013

Ang Daloy Ng Buhay








Biglang sumagi sa aking isipan ang kasiyahang dulot ng aking kamusmusan.Mga tawanan at kulitan sa mga nakalipas na mga araw.Isang batang isinilang na walang sapat na kaalaman,lumaki at nagkaisip,at natuto ng mga aral.Sa aking pagkabata ako ay lubos na lumigaya.Nakapaglalaro ng malaya at gumagawa hanggang sa magsawa.’Di ko lubos na maisip na noon ay iba na ngayon.Mga bagay na lubos kang sumasaya na sa ngayon ay ‘di mo na nagagawa.


Sa paglipas ng panahon,takbo ng buhay ko’y nagbabago.Takbo ng tubig sa ilog ‘di mapigilan ang pag agos.Hampas dito,hampas ‘don,dadalhin ka san man naroroon.Kamusmusang ‘di makakalimutan habang nagdadaan ang mga araw.Mga kaligayahang minsa’y naranasan at sa habang buhay ay hindi kayang kalimutan.