Linggo, Hulyo 28, 2013

PAG-UNLAD NG EKONOMIYA... NARARAMDAMAN BA? O HINDI?


Ang ating bansa ay binubuo ng napakaraming populasyon.Maraming pamilya ang nasa mahirap na kalagayan ,walang trabaho,hindi nakakapag aral ang maraming kabataan ta walang makaina ang ibang tao.Napakahirap na ng ating bansa.Kahit na napakarami nating mga likas na yaman bakit ganito pa din ang ating kalagayan.Sino ang tunay na may sala?Tayo din ang may kasalanandiba?'Di tayo marunong gumamit ng likas na yaman at hindi din marunong paunlarin ang sarili.Nararamdaman ba ang pag-unlad ng ekonomiya?Hindi ramdam ng iba ngunit ang iba'y ramdam ang pagbabago dito sa ating ekonomiya.Syempre magkakaiba ang pananaw ng bawat tao.

Pagbabago sa eskwelahan.Ang mga kagamitan ay bago,upuan,lamesa,silid aralan at mga libro.May pagbabago pa din sa ating ekonomiya ,hindi man lahat nakakaramdam ngunit unti-unti namang nagalaw ang ating ekonomiya.May pag-unlad pa ding nangyayari kahit papaano.

May mga taong nag survey tungkol sa ating ekonomiya.Naitanong kung mayroon nga bang pag-unlad sa ating ekonomiya.Tulad nga ng ating nasabi,magkakaiba talaga ang opinyon ng bawat isa .Kaya magkakaiba ang kanilang sagot .May ''oo'' at ang iba ay ''hindi''.

Sa pag-unlad ng ating ekonomiya mayroong oo at hinding sagot .Kung umuunlad nga bakit may mga tao pa ding mahihirap?May mga batang 'di nakakapag aral .'Di ba madami pa din tayong tanong sa ating isipan ngunit 'di naman masagot sagot .Huwag nating isisi lahat sa ating gobyerno .Tandaan lahat tayo ay may kasalanan.Kumilos tayo ng tama upang magkaroon talaga ng pagbabago.Magsimula sa ating mga sarili at gawin natin sa iba para sa ikaaayos at ikagaganda ng ating ekonomiya.