Linggo, Agosto 4, 2013

funnny signages :D



   










SURI:


PANIMULA:
TUNGKOL SA MAY AKDA:
Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36 na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.

PAKSA:ito ay tungkol sa isang Ale na pinagkamalan ang isang inosenteng bata na nagnakaw ng kanyang pitaka. Ito ay nagpapakita na maraming namamatay sa maling akala.
TAUHAN:
Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang tusong tao na gagawin ang lahat upang makuha ang kanyang gusto, sa mabuti man o sa masamang paraan.

 Inosenteng Bata- literal niyang sinisimbolo ang mga inosenteng tao na nadadamay sa masasamang bagay na gawa ng ibang tao.

Anak ni Aling Marta- sinisimbolo niya ang isang bagay na hinahangad ng marami, ayon na ring sa kwento, hinahangad ni Aling Marta ang kanyang pagtatapos sa High School.

URI:Ito ay isang realismong maikling kwento. Nagpapakita ito ng realidad na may mga bagay na hindi nabibigyang hustisya sa lipunan.
ARAL NG KWENTO:


Ang aral na nakapaloob sa akdang ang kalupi ay,"Huwag kaagad tayong magbibintang ng isang kasalanan lalo na'y wala tayong malinaw na ebidensya upang mapatunayan ito.Ang pabibintang ay nakakapagdulot ng 'di magandang epekto sa taong ginawan nito.Nakapagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga pag-iisip na negatibo at pagbaba ng tingin sa sarili .Ang labis na poot at galit na namumuo sa ating kalooban ay paminsan-minsan ay 'di natin nakokontrol.Nakakapanakit tayo sa sobrang galit.Nakuha ko ding aral na"Huwag tayong magpadala sa ating nararamdaman ng pabigla bigla,matuto tayong kumontrol ng ating kalooban at palagi pa ding magkaroon ng pag-iisip na nasa tama.

Huwag tayong manghuhusga base sa panlabas na kaanyuan ng isang tao.Isa puso at isip palagi ang pagiging isang mabuting tao.Laging tatandaan na ang pagsisi ay laging nasa huli.Huwag nating hayaan na mangyari ang ganito.Habang maaga pa,matutunan na dapat ang pagkakaroon ng mabuti at bukas na pag-iisip na katangian.Matutong magpahalaga sa sarili lalong-lalo na sa mga taong nasa ating paligid.


Biyernes, Agosto 2, 2013


Pamahiin


        

Ang lahat ng tao ay mayroong iba’t ibang paniniwala. Nakuha ito sa mga ninuno natin. Ang mga matatanda ay maraming nalalamang iba’t ibang pamahiin. Dahil sa mga ito maraming tao ang naniniwala dito. Maraming umiiwas sa mga pamahiin dahil daw nagdudulot ng disgrasya at mga kamalasan sa buhay.





Para sa akin ang mga pamahiin ay mga bagay na hindi dapat paniwalaan. Ako ay hindi talaga naniniwala sa mga pamahiin, kahit na sinasabi ng madami na totoo daw ang mga pamahiin hindi pa din ako nagpapaniwala. Ako kase, hindi pa naman nadidisgrasya dahil lang sa pamahiin. Yung bawal magwalis sa gabi ,yung kapag may nasalubong kang itim na pusa mamalasin ka, at marami pang iba klase ng pamahiin. Siguro naman may sarili tayong desisyon, kung maniniwala ba o hindi. Wala namang masama kung maniwala tayo o hindi,ang masasabi ko lang ,maging maingat lang tayo palagi at hindi naman ang mga bagay sa paligid ang gumagawa ng kapalran natin diba?. Tandaan na tayo lamang ang nagawa ng sarili nating kalaran. Nasa ating mga sarili kung paano natin sisimulan at wawakasan.