Pamahiin
Ang lahat ng tao ay mayroong iba’t ibang paniniwala. Nakuha ito sa mga ninuno natin. Ang mga matatanda ay maraming nalalamang iba’t ibang pamahiin. Dahil sa mga ito maraming tao ang naniniwala dito. Maraming umiiwas sa mga pamahiin dahil daw nagdudulot ng disgrasya at mga kamalasan sa buhay.
Para sa akin ang mga pamahiin ay mga bagay na hindi dapat paniwalaan. Ako ay hindi talaga naniniwala sa mga pamahiin, kahit na sinasabi ng madami na totoo daw ang mga pamahiin hindi pa din ako nagpapaniwala. Ako kase, hindi pa naman nadidisgrasya dahil lang sa pamahiin. Yung bawal magwalis sa gabi ,yung kapag may nasalubong kang itim na pusa mamalasin ka, at marami pang iba klase ng pamahiin. Siguro naman may sarili tayong desisyon, kung maniniwala ba o hindi. Wala namang masama kung maniwala tayo o hindi,ang masasabi ko lang ,maging maingat lang tayo palagi at hindi naman ang mga bagay sa paligid ang gumagawa ng kapalran natin diba?. Tandaan na tayo lamang ang nagawa ng sarili nating kalaran. Nasa ating mga sarili kung paano natin sisimulan at wawakasan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento